Ako at ang aking mommy sa harap ng Tong Yang |
10:00 am.
Pagkagising pinakain ko muna ang mga alaga naming sina Tyne (isang Shih Tzu) at si Shiva (isang Pomeranian). Maaga silang gumigising pero kapag nakita nilang nasa higaan pa kami ay babalik sila sa kani-kanilang pwesto at matutulog uli. Kapag babangon na kami saka rin sila bumabangon.
11:00 am.
Nagluto ako ng aming kakainin pananghalian. Sinigang na buto buto ang aming uulamin kaya minabuti ko ng palambutin ito kagabi pa. At dahil malambot na ang laman at ang lasa ay nanoot na sa buto, pinainit ko muna ang sabaw at saka inilagay ang mga sahog na gulay. Syempre di mawawala ang Kangkong, String beans, Okra at ang Siling haba. Pinainit ko na rin ang kanin dahil nailuto ko na ito kagabi pa.
12:00 pm.
Tanghalian na! Lunch time yey!
1:00 pm
Nagiisip ako kung anong menu para sa susunod na linggo. "Sinigang kaya? Adobo? Ginisang Giniling? o Chopsuey? Ah bahala na kung anong madali nalang na menu. Pero teka Chinese New Year din pala sa Huwebes. Magluto kaya ako ng Mami? O di kaya Pansit. Samahan narin ng Siomai at Tikoy."
3:00 pm
Teka alas tres na ng hapon di ko parin naaayos ang isusuot ko para sa Valentine dinner date namin ng asawa ko kasama sila mommy at ang aking mga biyenan. Ito bang blouse at pantalon? O itong blouse na kulay asul o di kaya itong damit kong violet?
4:00 pm
Naku di pa ako nakakapili ng isusuot ko! Kailangan ko nang mag-ayos dahil alas singko ang usapan namin.
4:30 pm
"Bie, maligo ka na! Bilisan mo!" ang sigaw ko sa asawa kong nakatutok pa sa kanyang computer at naglalaro ng Final Fantasy habang ako ay nagbibihis at pasimula ng maglagay ng Makeup.
5:00 pm
Palabas na kami ng bahay at Pasakay na kami ng jeep papunta sa mall.
5:30 pm
Wala parin ang mga biyenan ko sa napagusapang lugar kaya minabuti ko munang sunduin o meet up ang aking mommy na naghihintay na ng isang oras, lols. Bumalik din kami agad sa Tong Yang na kung saan kami magdidinner kasama ang aking asawa at mga biyenan.
6:45 pm
Inabot kami ng isang oras sa paghihintay ng mga mababakanteng lamesa sa Tong Yang. Salamat at pinapasok na kami ng staff nila. Sa harap ng lamesa ay mayroon Hot plate at Malaking bowl na kung saan nilagyan ng sabaw ng staff nila. Kami ang bahala kung anong isasahog sa sabaw na iyon.
Maraming nakahaing uncooked slices ng iba ibang klaseng isda at karne. May mga gulay din at ang isang inupakan ko ay ang "Kaylan" aka Kai-Lan. Ito ay isang Chinese vegetable na kilala rin sa pangalan na Chinese Brocolli o di kaya Chinese Kale.
Isa ring aking binalik balikan ay yung mga Japanese Fotomaki. Iba ibang klase ang nakahain duon. Ang pinakapaborito ko ay iyong nakabalot sa Cucumber, dahil mahilig talaga ako sa gulay.
Isa pang gusto ko ay ang Shiitake Mushroom. Masarap itong iluto sa hot plate na may mantikilya o butter.
At pagkatapos ng dinner ay nag desert pa kami (duon din sa Tong Yang). Ang mga desert duon ay fresh fruits, Halo-halo at iba ibang flavor ng Ice cream.
8:00 pm
At sa wakas ay natapos narin kami. Dahil sa dami ng tao sa loob ng mall hindi na kami nagatubiling magikot-ikot pa. Bumili nalang si mommy ng ipapasalubong sa mga pamangkin ko at saka namin inihatid si mommy sa sakayan ng Jeep/FX/bus. Kami rin ay nagpaalam na sa aking mga biyenan at umuwi narin para magpahinga.
Narito ang isang picture namin pagkatapos magdinner. Kasama ko ang aking ina at mga biyenan ko. Hindi nakasama ang aking asawa dahil sya ang photographer. ha ha ha.
Ako, si mommy ko, si mama (mother-in-law) at si daddy (father-in-law) |
Napakasimple lamang ng aming Valentine. Walang chocolate at rosas pero may masasarap na pagkain naman. Paminsan minsan masarap din ang kumakain sa labas kasama ang pamilya.
Kayo, paano ninyo iniraos ang inyong Valentines? Bongga man o hindi maaari ninyong ishare dito o magkumento sa ibaba.
No comments:
Post a Comment